These rules were mostly taken from the book K.I.T. "Keep It Together" by Frannie S. Daez (available in Fully Booked and National Bookstore).
The rules enumerated by Mrs. Daez is pretty exhaustive. I just changed some parts because unlike Mrs. Daez, we don't live in a single-detached house and we don't have children. In the book, there is this whole section on children -- "SA MGA BATA". Very helpful.
SA BAHAY
1. Bawal magpapasok ng hindi namin kakilala.
2. Huwag iwanang bukas ang front door.
3. Maging magalang. Magsabi ng “po” at “opo” kapag nakikipag-usap sa mga bisita, at sa pagsagot sa telepono.
4. Kapag nag-ring ang telepono, sagutin kaagad at sagutin ng maayos:
- “Hello, good morning (afternoon/evening).”
- “Sino po sila?”
- “Ano po ang number nila?”
- Isulat sa papel ang pangalan, numero, at mensahe ng tumawag.
- Ulitin sa tumawag ang impormasyon (pangalan, numero at mensahe) upang siguraduhing tama.
- “Salamat po.” Ibaba ang telepono.
5. Kapag may nag-doorbell, itanong muna kung sino ang nag-doorbell at silipin bago buksan ang pinto. “Sino po sila?”
- Kapag tumawag ang guard na may taong mag-iiwan ng gamit, itanong kung kanino galing at magpasalamat sa nagbigay.
- Kapag hinahanap si **** o si ****, itanong ang pangalan ng bisita at pahintayin sa guard house. Sabihin kay **** o **** upang malaman kung papaakyatin at papapasukin. Kung oo ang sagot, buksan ang pinto at papasukin ang bisita sa loob ng sala.
- Paupuin at sabihin na, “Pakihintay lang po sila, padating na po sila.”
- Siguraduhin na alam ng hinahanap ng bisita na may naghihintay sa kanila.
- Bigyan ng juice at konting merienda ang bisita.
- Kung wala ang taong hinahanap, huwag paakyatin o papasukin ang bisita, maliban kung may pinagbilin si **** o si ****. Itanong kung ano ang kailangan nila at sabihin na wala yung taong hinahanap nila. Huwag nang magbigay ng kahit anong impormasyon. Itanong kung may ipagbibilin sila.
- Kung hindi na makapaghintay ang bisita at sinasabing importante na makapasok siya sa bahay, i-text lang si **** o **** at sabihin kung sino ang naghahanap sa kanila.
6. Kumatok muna sa pinto bago pumasok sa mga kuwarto.
7. Magtipid sa kuryente, tubig, sabon, at iba pang mga gamit panglinis. Patayin ang aircon, electric fan, at ilaw kung walang tao sa kuwarto. Buksan lang nang tamang-tama ang gripo kapag gumagamit ng tubig – huwag masyadong malakas. Isara ng maigi ang gripo upang hindi maiwang tumutulo.
8. Kapag may nabasag, nasira, o kakaibang tunog ang mga kagamitan, sabihin kaagad kay **** o ****.
9. Bago matulog sa gabi, siguraduhing:
- Walang nakakalat na pagkain sa lamesa o sa sahig para hindi ipisin at dagain ang bahay
- Malinis na ang bahay (wala nang kalat)
- Nailabas na ang basura
- Nakasara na ang gas tank
- Nakakandado na ang lahat ng pinto
- Nakapatay na ang mga ilaw
10. Kapag may emergency, tumawag nang guard o kapit-bahay at humingi ng tulong.
11. Kapag may sunog sa atin o sa kapit-bahay, tumawag agad ng tulong at iligtas ang sarili.
PANSARILI
1. Respetuhin ang mga personal na gamit namin (huwag hihiga sa mga kama, huwag buksan ang TV nang hindi nagpaalam, huwag pakialaman o gamitin ang mga personal na gamit namin at ng mga kasamahan – sabon, shampoo, toothpaste, suklay, atbp.)
2. Kapag kailangang lumabas, magpaalam muna kay **** o ****.
3. I-schedule ang day-off at bakasyon upang hindi magsabay-sabay.
4. Kapag may day-off, gawin na ang lahat na kailangan gawin sa labas:
- Bilhin na ang mga personal na pangangailangan (shampoo, sabon, toothpaste, tsinelas, atbp.)
- Puntahan na ang kailangan puntahan (taga-gupit ng buhok, barbero, sapatero, atbp.)
5. Magpaalam ng isang buwan bago umalis ng permanente upang makahanap kami ng kapalit.
6. Huwag magpautang sa mga kasamahan.
7. Magtulungan sa gawain.
8. Maging masipag.
9. Maging palaging malinis at maayos sa sarili at sa sariling gawa.
10. Huwag makipagtsismisan, lalo na tungkol sa mga pangyayari sa bahay.
11. Huwag magsigawan o magtaas ng boses kapag nakikipag-usap, kahit na sa mga kasamahan.
12. Kapag may karamdaman, ipaalam kaagad kay **** o ****.
13. Kapag may problema, kahit na personal, sabihin kaagad kay **** o ****.
0 comments:
Post a Comment