Tagalog First Aid Instructions (Part 1 of 3)

Thursday, July 24, 2008

MGA DAPAT TANDAAN


A. Maging kalmado at suriin ang sitwasyon.

3 BAGAY NA DAPAT TIYAKIN KUNG MAY TAONG MALUBHA ANG SUGAT O KARAMDAMAN:

  1. DAANG HINGAHAN. Tiyakin na ang ilong, bibig at lalamunan ay hindi nababarahan ng anumang bagay tulad ng laway, suka, dugo o pagkain.
  2. PAGHINGA. Tiyakin kung ang biktima ay humihinga. Kung hindi, kailangan gawin sa kanya ang artificial respiration.
  3. PAGDALOY NG DUGO.Tiyakin kung ang biktima ay may pulso. Kung wala na, kailangan siyang lapatan ng CPR.

MGA HINDI DAPAT GAWIN SA BIKTIMA:

  1. Huwag galawin ang biktima kung ito ay nabalian o lubhang napinsala sa leeg o sa buto sa likod, maliban na lang kung sa paglipat ay maliligtas siya sa mas matinding kapahamakan.
  2. 1. Huwag piliting painumin ang taong walang malay o wala sa sarili. Baka maging sanhi ito ng pagbabara ng kanyang hingahan.
  3. 2. Huwag piliting gisingin ang taong walang malay sa pamamagitan ng pagsampal o pag-uga sa kanya.

B. Tumawag sa 117 para humingi ng tulong.

Tumawag sa 117 para humingi ng tulong. Sabihin sa nakasagot kung ano ang nangyari o sakuna. Itanong kung ano ang dapat gawin habang hindi pa dumarating ang ambulansya. Tumawag din sa guard at ipaalam na may emergency sa Unit *****. Gawin ito agad lalo na kung ang biktima ay:

  1. Matindi ang pagdurugo ng sugat
  2. Nakainom ng lason
  3. Mahina o wala nang pulso
  4. Hirap o hindi na humihinga

Maaari ring tumawag sa (IF YOU ARE A MEMBER OF AEROMED OF LIFELINE ARROWS) para sa ambulansya. Sabihin sa nakasagot ang nangyari. Ibigay ang pangalan at card number ni xxxxx: xxxxx, Card No. xxxxx.

C. Habang naghihintay ng doktor o ambulansya, patawan ng first aid ang biktima.

  1. Suriin ang katawan ng biktima para malaman kung may iba pa itong sugat. Huwag piliting hilahin ang damit na dumikit sa balat. Gupitin na lang ito kung kinakalingan.
  2. Patawan ng nararapat na first aid ang bikitma.
  3. Kalmahin at palakasin ang loob ng biktima.

IMPORTANTE!

  • Maging kalmado at lakasan ang loob. Kailangang talasan ang pag-iisip.
  • Siguraduhing malinis ang kamay ng maglalapat ng first aid para maiwasan ang impeksiyon. Gumamit ng surgical gloves (hanapin sa first aid kit) kung kinakailangan.

0 comments:

 
ss_blog_claim=67018f3de1a8852768510c0d42841a05 ss_blog_claim=67018f3de1a8852768510c0d42841a05