Tagalog Kitchen Safety Reminders

Friday, July 25, 2008

IMPORTANTE! UGALIING MAG-HUGAS NG KAMAY BAGO HUMAWAK NG PAGKAIN O ANUMANG BAGAY SA KUSINA. MAG-SUOT NG HAIRNET KUNG MAGLULUTO.

KITCHEN SAFETY REMINDERS

  1. Kung may naamoy na gas mula sa kalan, patayin agad ang kalan at isarado ang gas tank. Buksan ang mga bintana para lumabas at mawala ang amoy.
  2. Laging bantayan ang niluluto at huwag iwanan ito. Kung talagang kailangang umalis sandali, hinaan o patayin ang apoy.
  3. Ilayo sa pinaglulutuan ang mga gamit na maaaring masunog tulad ng mga tuwalya, plastic bag at kahoy.
  4. Punasan agad ang mga appliances kapag natapunan ito ng pagkain. Kung mainit ito, hintayin munang lumamig bago punasan at itago.
  5. Huwag buksan agad ang pressure cooker o microwave oven pagkatapos mag-init o mag-luto. Maghintay ng ilang segundo. Minsan kasi ay nakakasunog ang mainit na usok mula sa pagkain.
  6. Laging gumamit ng pot holders kapag hahawak ng mainit na bagay.
  7. Huwag buhusan ng tubig ang apoy na dulot ng grasa o mantika. Takpan ang kaldero at buhusan ang apoy ng baking soda.
  8. Huwag ilipat ng lugar ang umaapoy na kaldero. Baka lalong kumalat ang apoy.
  9. Araling gumamit ng fire extinguisher. Siguraduhing na sa lugar ito kung saan madaling kuning kung kailangan.
  10. Siguraduhing matalim ang mga kutsilyo dahil mas nakakasugat ito kapag mapurol.
  11. Laging gumamit ng cutting board.
  12. Ibalik sa lalagyan ang mag kutsilyo. Baka may masugat kung nakakakalat ito.
  13. Huwag saluhin ang nahuhulog na kutsilyo. Pabayaan itong mahulog at saka pulutin.

6 comments:

Anonymous said...

I'll read all these Tagalog reminders and instructions. I think it's more comprehensive than my sporadic instructions. :-)

Kaso lang, my helper and I are both bisaya. Haha. We'll see. :-D

Mrs. G said...

I just added the hairnet rule. I bought two hairnets in Rustan's Supermarket this afternoon for P15 each. I am so sick of seeing hair in my food!

vicki said...

this is great. how do you get the helpers to remember it all though? mine are stubborn about their own ways.

Mrs. G said...

@ Vicki - My friend printed it out and posted it in her kitchen. I have mine in our Household Manual.

juliet said...

wow! ang galing nito. thanks! thanks! if you don't mind, I'll be copying some tips with credits and link to your blog (of course!)

Mrs. G said...

@Juliet - Thanks!

 
ss_blog_claim=67018f3de1a8852768510c0d42841a05 ss_blog_claim=67018f3de1a8852768510c0d42841a05