Kitchen: Special Cleaning Instructions

Monday, July 7, 2008

COOKTOP

  1. Gumamit ng basahan at all-purpose cleaner para linisan ang kalan. Kung mahirap tanggalin ang dumi, kumuha ng basahan na binabad sa mainit na tubig at dishwashing liquid. Ipatong ito sa dumi at iwanan ng sandali. Kapag malambot na ang dumi, punasan ito ulit. Huwag gamitan ng magaspang na pamunas o chemical.
  2. Punasan ang dumi pagkatapos gamitin. Siguraduhin munang malamig na ito.
  3. Ibabad sa tubig na mainit na may dishwashing liquid ang grates ng kalan kung mahirap tanggalin ang dumi nito. Hugasan ulit pagkatapos ibabad. Huwag gamitan ng steel wool.
  4. Tanggalin ang mga knobs at hugasan ito isang beses isang linggo. Huwag ibabad.

RANGEHOOD

  1. Punasan ang rangehood gamit ang basahang binabad sa mainit na tubig at dishwasing liquid.
  2. Ibabad ang filter sa mainit na tubig at konting dishwashing liquid. Gumamit ng lumang toothbrush para tanggalin ang dumi. Banlawan ng mainit na tubig.

MICROWAVE OVEN

  1. Linisin gamit ang all-purpose cleaner. Gumamit ng basahang basa para banlawan. Ingatang huwag direktang mabasa ng tubig ang microwave.
  2. Kung may duming mahirap maalis, mag-init ng tubig sa microwave sa loob ng 3 minuto. (Kung may lemon o kalamansi, maghiwa at ilagay ito sa tubig bago initin.) Iwanan ang mainit na tubig sa loob ng mga 5 minuto bago buksan at punasan ulit.

REFRIGERATOR

  1. Laging lagyan ng takip ang pagkain bago ipasok sa refrigerator.
  2. Huwag patungan ng kahit kahit na ano ang ibabaw ng refrigerator.
  3. Punasan agad kung may matapon sa loob.
  4. Siguraduhing malinis ang lalagyan (ketchup, mustard, gatas, etc.) bago ipasok sa refrigerator.
  5. Gumamit ng all-purpose cleaner at tubig para linisin ang pinto at gilid ng ref.

0 comments:

 
ss_blog_claim=67018f3de1a8852768510c0d42841a05 ss_blog_claim=67018f3de1a8852768510c0d42841a05