Tagalog First Aid Instructions (Part 2 of 3)

Friday, July 25, 2008

MATINDING PAGDURUGO NG SUGAT

  • Paupuin or pahigain ang biktima upang maiwasan ang pagkahilo.
  • Pahintuin o pahinain ang pagdurugo habang hindi pa dumarating ang tulong:
    • Ipatong ang malinis na gauze o anumang malinis na tela sa sugat at idiin ito. Ipagpatuloy ang pagdiin hanggang huminto ang padurugo.
    • Kung hindi sapat ang pagdiin sa sugat para pahintuin ang pagdurugo, diinan ng sabay ang ibabaw at ilalim ng sugat.
    • Kung ang sugat ay nasa braso, kamay, hita, binti o paa at patuloy pa rin ang pagdurugo, maaaring diinan ang alin man sa apat na pressure points sa larawan.
  • Kung huminto na ang pagdurugo, talian ito ng gasa. Sikipan ang pagtali pero huwag sobrang sikip na hindi na makadaloy ang dugo sa ibang parte ng katawan.

HIWA, GALOS O GASGAS

  • Itapat sa dumadaloy na tubig ang sugat para matanggal ang dumi. Siguraduhing palayo sa sugat ang daloy ng tubig. Kung kinakailangan, alisin ng tiyani ang naiwang dumi. Siguraduhing malinis ang tiyani.
  • Takpan ng gauze ang sugat bago linisin ang balat sa paligid nito. Linisin ang balat sa paligid ng sugat sa pamamagitan ng sabon at tubig.
  • Takpan ang sugat ng band-aid o malinis na gauze.
  • Alamin kung may bakuna laban sa tetano ang biktima. Kung wala, kumonsulta sa doktor.
  • Obserbahan ang sugat at siguraduhing wala itong impeksyon.

SUGAT NG PAGKATUSOK

  • Marahang pisilin ang sugat para lumabas ang dugo. Kailangan ito para linisin ang sugat sa loob.
  • Itapat sa dumadaloy na tubig ang sugat para matanggal ang dumi. Siguraduhing palayo sa sugat ang daloy ng tubig.
  • Takpan ng gauze ang sugat bago linisin ang balat sa paligid nito. Linisin ang balat sa paligid ng sugat sa pamamagitan ng sabon at tubig.
  • Takpan ang sugat ng band-aid o malinis na gauze. ang sugat.
  • Patungang ng bulsa de yelo ang sugat kung ito ay namamaga o kumikirot.
  • Alamin kung may bakuna laban sa tetano ang biktima. Kung wala, kumonsulta sa doktor.
  • Obserbahan ang sugat at siguraduhing wala itong impeksyon.

MATINDING PAGKASUNOG O PAGKABANLI

  • Pahigain ang biktima. Kung maari ay huwag ilapat ang parteng nasunog sa hinihigaan.
  • Padaluyan ng malamig na tubig ang nasunog na parte. Patuloy na gawin ito sa loob ng 10 minuto o hanggang sa humupa ang sakit. Kung ang sunog ay sanhi ng kemikal, padaluyan ito ng tubig sa loob ng 20 minuto.
  • Alisin o gupitin ang damit sa nasunog na parte ng katawan. Huwag hilahin o piliting tanggalin ang damit. Gupitin ito kung kinakailangan.
  • Takpan ang nasunog na balat ng makapal na gauze o malinis na damit.
  • Kung may malay ang bikitma, painumin ito ng tubig na may Hydrite. Painumin ito kada 15 minuto hanggang dumating ang tulong. Ihinto ang pagpapainom kung nagsusuka ang biktima.

TANDAAN:

    • Huwag hawakan o galawin ang parteng nasunog. Huwag tanggalin ang anumang bagay na nakadikit sa sugat.
    • Huwag tusukin o paputukin ang balat na naglantog.
    • Huwag lagyan ng kahit na anong ointment o cream ang nasunog na balat.

MENOR NA PAGKASUNOG O PAGKABANLI

  • Padaluyan ng malamig na tubig ang nasunog na parte. Patuloy na gawin ito sa loob ng 10 minuto o hanggang sa humupa ang sakit.
  • Alisin o gupitin ang damit sa nasunog na parte ng katawan. Huwag hilahin o piliting tanggalin ang damit. Gupitin ito kung kinakailangan.
  • Takpan ang nasunog na balat ng makapal na gauze o malinis na damit.

4 comments:

vicki said...

isn't there something about toothpaste and burns?

Mrs. G said...

I read somewhere that using toothpaste do not work as well as cold water and aloe.

Anonymous said...

yang :


this is great for our community health teachings.thanks very much!! :D

Anonymous said...

COOL THE BURN BY FLUSHING WITH WATER COVER WITH CLEAN,DRY COVERING

 
ss_blog_claim=67018f3de1a8852768510c0d42841a05 ss_blog_claim=67018f3de1a8852768510c0d42841a05