Tagalog First Aid Instructions (Part 3 of 3)

Friday, July 25, 2008

NAKURYENTE

  1. Siguraduhing wala nang koneksyon sa kuryente ang biktima. Kung meron pa, patayin ang main switch sa fuse box ng bahay.
  2. Padaluyan ng malamig na tubig ang nakuryente na parte. Gawin ito sa sugat kung saan pumasok at lumabas ang kuryente.
  3. Takpan ang nasunog na balat ng makapal na gauze o malinis na damit.

NAKAINOM O NAKAKAIN NG LASON

  1. Itanong sa biktima kung anong lason ang nainom niya.
  2. Tumawag agad sa Poison Control (Tel. No. 524-1078) at sabihin kung anong lason ang nainom ng biktima. Tanungin kung ano ang dapat gawin at sundin ang mga tagubilin ng nakasagot.
  3. Kung hindi kaagad makatawag, painumin ng dalawang basong malamig na tubig o gatas ang biktima.
  4. Dalhin ang biktima sa doktor. Dalhin ang bote ng lason para malaman ng doktor kung anong lunas ang ilalapat sa biktima.

SPRAIN

  1. Pahigain o paupuin ang biktima. Itaas ang parteng may sprain sa komportableng posisyon.
  2. Patungan ito ng bulsa de yelo para mabawasan ang pamamaga at pagkirot.
  3. Iaangat ang na-sprain na parte ng katawan para mabawasan ang pagdaloy ng dugo dito.

KAGAT NG HAYOP

  1. Hugasan agad ng tubig ang kagat para maalis ang laway ng hayop.
  2. Tuyuin ang sugat gamit ang gauze.
  3. Takpang ng sugat ng gauze para maiwasan ang impeksyon.
  4. Tumawag sa Animal Bite Control (Tel. No. 816-1111) at sabihin kung anong uring hayop ang nakakagat sa biktima. Sundin ang mga utos ng nakasagot.
  5. Kung kinakailangan, dalhin ang biktima sa ospital.

0 comments:

 
ss_blog_claim=67018f3de1a8852768510c0d42841a05 ss_blog_claim=67018f3de1a8852768510c0d42841a05